Komikon 2009 Megatrade Hall A, SM Megamall October 18, 2009
Sobrang namroblema ako nung nalaman ko na Linggo gaganapin ang Komikon. Di kasi ako pwede pag linggo, dahil Family Day namin yun :D Pero kahit papano ay nagawan ko ng paraan na makapunta pa rin :P Ngayon, hindi ko kasama si Ronan, pero kasama ko naman yung kapatid ko. Sha ang naging photographer sa araw na yun, hehehe.
Nakakatuwa ang araw na yun dahil sobrang daming komiks ang bago! Ang dami-dami kong nabili nung araw na yun, muntik pa ako maubusan ng pera ahehehe. Pero ok lang basta for ze sake of Philippines komiks! NUKS.
Eto ang ilang pictures na kinunan ng kapatid ko. Sobrang natuwa kami sa mga caricatures ng mga famous personalities. Ang astig lahat! Pero ang pinakapanalo sa akin ay yung gumawa nung caricature ni Kuya Kim. hehehe.
Enjoy~!
|